Seguridad para sa Miss Universe pageant na gaganapin sa bansa, nakalatag na

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nakalatag na ang ipatutupad na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping Miss Universe Pageant sa bansa sa Enero 30.

Nitong nagdaang weekend, sinimulan na ng PNP ang pagdedeploy ng police escort sa mga kandidata na una nang dumating sa bansa.

Sa darating na Huwebes inaasahang magkakasunod nang darating ang nasa 80 pang kandidata mula sa iba’t-ibang bansa.