Sec. Aguirre, handang magbitiw sa pwesto

(Eagle News) — Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magbibitiw siya sa pwesto sakaling maramdaman niyang wala nang tiwala si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Ito ay sa harap ng isyu ng katiwalian sa Bureau of Immigration na nasa ilalim ng Department of Justice at kinasasangkutan pa ng mga “ka brod” nila ng Pangulo sa fraternity.

Pero sinabi ni Aguirre na sa ngayon ay naniniwala siya na kumpiyansa pa rin sa kanya ang Presidente.