SC, inatasan si De Lima na maghain ng counter-affidavit sa kinakaharap na panibagong Disbarment Case

MANILA, Philippines(Eagle News) — Inatasan ng Korte Suprema si Senador Leila De Lima na maghain ng kontra salaysay sa panibagong disbarment case na inihain laban sa kanya.

Ang disbarment case ay isinampa ni Atty. Fernando Perito.

Binigyan ng Supreme Court si De Lima ng sampung araw para sagutin ang reklamo.

Hindi inilahad ng Korte Suprema ang batayan ni Perito sa disbarment case laban kay De Lima.

May nakabinbin na ring ilan pang disbarment complaint laban kay De Lima.

Ilan dito ay dahil sa pakikipagrelasyon sa dati niyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan at sa pagsuway niya sa TRO ng korte suprema na pumigil sa watch-list order ng DOJ laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo.