(Eagle News) — Parehong bumaba ang satisfaction ratings nina Vice President Leni Robredo at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa huling quarter ng 2018.
Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey, naging “moderate” mula sa dating “good” ang ratings ni Robredo dahil sa pagbaba ng pitong puntos sa +27 noong Disyembre 2018 mula sa +34 noong Setyembre 2018.
Habang ang net satisfaction ratings ni Arroyo ay naging “poor” mula “neutral” dahil sa pagbaba sa +27 noong Disyembre mula +55 naman noong Setyembre.
Samantala, ang overall net satisfaction rating ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ay “moderate” sa +11 points.
Ginawa ang survey mula Disyembre 16 hanggang 19, 2018 kung saan tinanong ang 1,400 respondents.