Sa Ganang Mamamayan: Pag-aresto kay Menorca, sino nga ba ang nakinabang?




(Eagle News) –  Nitong nakalipas na mga araw ay natutok ang pansin ng media ukol sa pagkaka-aresto sa tiwalag na miembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II.

Sa episode na ito ng “Saganang Mamamayan,”  hinimok ni dating Congressman Rodante Marcoleta na mas himayin ng publiko ang isyu at tingnan kung sino talaga ang nakinabang sa aniya’y “drama” na ginawa ni Menorca matapos siyang arestuhin sa kasong libelo.

Ayon sa kanya, mas nais nga sana ng Iglesia Ni Cristo na matuloy ang hearing sa Court of Appeals ukol kay Menorca dahil nauna nang napatunayan ng mga abugado ng INC ang mga inconsistencies ng kanyang testimonya, maging ng kanyang mga kasamahan.

Sinabi pa ni Marcoleta na mas naging pabor pa nga kay Menorca ang postponement ng nasabing CA hearing.

Pinunto rin niyang kung paanong nagpa-interview pa si Menorca bago ang kanyang pagkaka-aresto sa isang kilalang TV network kung saan sinabi niyang inaasahan na niyang aarestuhin siya anumang araw.  Dito ay sinisisi na nya agad ang INC ukol rito.

Ayon pa kay Marcoleta, halatang planado o “staged” ang lahat upang makakuha ng simpatya si Menorca sa publiko.