Roxas Market, walang panindang isda dahil sa masamang panahon

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Apektado ngayon ang panindang mga lamang-dagat sa isang palengke sa Palawan dahil sa sama ng panahon.

Wala halos makikitang mga panindang isda sa Roxas Public Market dahil  hindi makalaot ang mga mangingisda dulot ng malaking alon at malakas na hangin.

Ito ay makaraang manalasa ang “Maring” sa maraming lugar, na naramdaman din sa lalawigan.

Maging ang maliliit na pangisda ay hindi pinapayagang pumalaot dahil na din sa panganib na maaaring idulot nito sa mga bibyahe.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ding nakararanas ng malakas na hangin, malalaking alon at manaka-nakang pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan dulot ng intertropical convergence zone (ITCZ). (Eagle News Service)

Anne Ramos – Eagle News Correspondent

https://www.youtube.com/watch?v=pkSOe0OxzHc&feature=youtu.be