Resulta ng NAPOLCOM survey ukol sa “Most Trusted Police Station,” ikinasiya ni PNP Chief Dela Rosa

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang resulta survey ng National Police Commission (NAPOLCOM) kung saan hinirang ang Caloocan Police bilang “Most Trusted Police Station” noong nakaraang taon.

Ayon kay Dela Rosa, nagbunga ang effort nya na palitan ang lahat ng pulis sa Caloocan upang isalang sa re-orientation matapos ang magkakasunod na kontrobersiya na kinasangkutan nila.

Sa harap nito, pinaalalahanan naman ni PNP Chief Dela Rosa ang Mandaluyong pulis na pagbutihin ang trabaho dahil sila ang “least trusted police station” base sa survey ng NAPOLCOM.

https://youtu.be/VqN3OnFhEQE