QCPD, may nerecover na mga armas, ammunition at explosives sa #36 T.Sora, Q.C.

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Iprinisinta ngayong araw, Marso 9 ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga karagdagang nakumpiskang high-powered fireams at ammunition mula sa mga inarestong illegal occupants ng No. 36 Tandang Sora Avenue, Quezon City.

Nakuha ang mga ito kahapon, Marso 8 mula sa tirahan ni Lottie Hemedez, isa sa mga natiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon sa pulisya, kahapon lamang nila napuntahan ang tirahan nito kung saan nakita nila ang high-powered firearms, mga granada at libu-libong malalakas na bala na nakatago rito.

Sa nasabing property ay iligal na nanunuluyan bago naaresto ang mga itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na sina Angel Manalo, Lottie Hemedez at 23 iba pa, pati na rin ang mga dating sundalong illegal nilang pinapasok noong isang taon.