QCPD inaming tumaas ang mga kaso ng robbery hold-up nang mawala ang PNP sa “war on drugs”


Ipinrisinta ni Quezon City Police Director Chief Supt. Guillermo Aleazar sa media ang mga suspect na naaresto kamakailan dahil sa robbery hold-up incidents sa Quezon City. (courtesy Vilmar Gabriel, Eagle News Service) 

By Mar Gabriel
Eagle News Service

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Aminado ang Quezon City Police District na dumarami na naman ang mga kaso ng robbery hold-up sa kanilang lugar mula nang huminto ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang “war on drugs.”

Ipinahayag ito ni QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, kasabay ng pagprisinta sa media ng mga riding-in-tandem suspect na naaaresto sa kanilang pinaigting na operasyon laban sa krimen.

Naobserbahan niyang dumami ang mga kaso ng roberry holdap sa Quezon City.  Ang ilan pa nga sa mga naaresto nila ay dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng PNP, ayon pa sa kanya.

“Ngayon wala nang operations (ng PNP), may nagbabalikan (na mga dating drug suspects). Mas malakas loob nila na they can transport drugs,” ayon pa kay Eleazar.

Kanina nga ay tatlong suspects na inaresto ni PO2 Jomar Madarang noong Sabado ng hapon sa Project 6 sa Quezon City na nag-viral pa sa social media

Ang mga suspect ay sina Wency Compenido, 19, John Christopher Ramirez, 26, at John Paul Aquino Legaspi, 20 taong gulang.

Ang naturang mga suspek umano ang nasa likod ng talamak ng holdapan sa lugar, bagay na inamin naman ng mga suspek.

Inamin din nilang may hinold-up silang laundry shop.

Sinabi naman ni QCPD Director Chief Supt. Eleazar na inaasahan nilang Lalo pang tataas ang mga kaso ng nakawan at holdapan ngayong nalalapit ang holiday season.

Kaya naman ngayon pa lang pinaiigting na raw nila ang seguridad sa mga matataong lugar partikular na sa mga mall at terminal.