Puwersahang pagpapalikas sa mga residente ng landslide-prone areas iginiit ni VP Robredo

(Eagle News) — Nais ni Vice President Leni Robredo na magkaroon ng mas mahigpit na pamamaraan ang mga lokal na pamahalaan upang mabalaan at mapalikas ang mga residente sa landslide-prone areas.

Sa pagbisita ni Robredo sa barangay Patitinan, Sagñay sa Camarines Sur, sinabi nito na bagaman mayroong inilabas na warning para sa mga pamilya sa lugar, marami pa rin ang nagmatigas at hindi umalis dahil naroon ang kanilang mga hanap-buhay.

Para kay Robredo, dapat umanong puwersahin na ang mga apektadong residente na huwag nang bumalik sa mga landslide prone areas.

Hinimok pa ni robredo ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan na tukuyin ang mga lugar na may banta ng pagguho ng lupa at pwersahin ang mga residente doon na lumikas na.

Aniya, mas makabubuti ang pag-iwas sa mga sakuna.

Dagdag pa nito, kailangang magpatayo ang pamahalaan ng seawalls at flood control projects bilang permanenteng solusyon na makapagliligtas sa mga mamamayan mula sa mga epekto ng bagyo.

https://youtu.be/fMgkZilX6Vc