Public school teachers, bibigyan ng special bonus ng DepEd

(Eagle News) — Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ng karagdagang bonus ang mga public school teacher.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon nilang bigyan ng 1,500 pesos ang mga public teacher sa tuwing sasapit ang October 5.

Magsisimula silang ibigay ito sa susunod na taon.

Nagpasalamat naman ang DepEd sa senado dahil sa pagsama ng special bonus sa 2019 General Appropriations Act.