Public Advisory: Red Cross, itinanggi ang babala ukol sa pagpunta sa malls

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nanawagan ang Philippine Red Cross sa publiko na huwag maniwala sa kumakalat sa social media ukol sa di-umano’y kanilang pahayag na iwasang pumunta sa shopping malls dahil sa banta ng seguridad.

Itinanggi ni Senador Richard Gordon na naglabas sila ng advisories ukol dito at ang gobyerno lang ang maaaring maglabas ng gayong babala.

umapela rin ang senador sa publiko na maging ma-ingat bago maniwala at mag-share ng hindi tiyak na impormasyon dahil pagmumulan  ito ng panic at takot.

https://youtu.be/TML-VcL55oU