Public Advisory: Ilang bahagi ng Leyte, 11 oras na mawawalan ng kuryente sa Sabado, Pebrero 17


TACLOBAN CITY, Leyte (Eagle News) – Nagbigay ng abiso ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Leyte partikular na ang Tacloban City, Palo at Babatngon sa Sabado, Pebrero 17.

Ito ay dahil sa itinakda nilang maintenance o pagsasaayos sa Babatngon–Arado 69 KV line.

Ang  nasabing power interruption ay magsisimula sa ganap na 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Humihingi naman ang NGCP ng paumanhin at pang-unawa sa publiko. Rheanel Vicente