PSA: Unemployment rate, bahagyang tumaas nitong Oktubre

MANILA, Philippines (Eagle News) — Bahagyang tumaas ang unemployment rate ng bansa nitong Oktubre 2017 kumpara sa kaparehong panahon noong 2016.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 5.0 percent ang unemployed na mga Pilipino.

Bahagya itong tumaas kumpara sa 4.7 percent na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Katumbas ito ng 2.2 million Filipinos at 2 million naman noong nakaraang taon.

https://youtu.be/Gu5t07J_4CA