Zamboanga City, posible rin umanong tamaan ng malakas na lindol

(Eagle News) — Malaki ang posibilidad na tatamaan din ng malakas na paglindol sa dulong bahagi ng Western Mindanao Region partikular itong Zamboanga City.

Ito ang paliwanag ni Engr. Allan Labayog, Regional Chief ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Region 9 nang makapanayam ng Eagle News Team.

Ayon pa kay Labayog na ang Zamboanga City ay ang sentro ng Sulu at Cotabato trench na posibleng magdulot ng malking pinsala sa lungsod kapag ito ang gumalaw.