Tumakas na inmate ng Laguna Provincial Jail, balik kulungan uli

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Pagkaraan ng halos isang linggong pagtatago ay muling naibalik sa kulungan ang isang inmate ng Laguna Provincial Jail.

Kinilala ang inmate na si Eugene L. Edlagan, na may kasong murder.

Nahuli ito sa isinagawang operasyon sa J. P. Rizal, Paete, Laguna, noong Linggo, ika-21 ng Mayo, o mga anim na araw matapos ito tumakas mula sa kaniyang selda.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na muli si Edlagan.

 

Willson Palima – EBC Correspondent, Laguna
Courtesy: Laguna Action Center

 

Edlagan

6d687308-ce1a-4b21-a277-3ac8ff489031 301a9308-a371-4ebc-a9b3-cfada530f88b bed7c462-65c6-432a-acb7-80e10cac7357 e1ce4ea3-047c-4e5e-b8fc-e94ca1cd75c2