Tatlong Taiwanese national, arestado sa iligal na droga

KALIBO, Aklan (Eagle News) – Arestado ang tatlong Taiwanese national sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Kalibo, Aklan, kamakailan.

Kinilala ang mga ito na sina Jhih Hong Chen, 27 taong gulang, Yu Ting Lien, 35 taong gulang, at Hsiao Chun Huang, 29 taong gulang.

Naaresto ang mga suspek sa Greenfield Subdivison, Barangay Andagao, kung saan sila pansamantalang nakatira.

Sinasabing kabilang ang mga ito sa 25 Chinese at Taiwanese na ni-raid ng mga kapulisan noong nakaraang taon sa isang drug den sa isla ng Boracay.

Ang mga akusado ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ”

May Php 200,000 ang itinakdang piyansa ng korte sa bawat isa sa kanila para sa pansamantalang kalayaan.

Alan Gementiza – Eagle News Correspondent, Aklan

https://www.youtube.com/watch?v=kJXjQfkpIgk&feature=youtu.be