Tatlong hinihinalang miyembro ng Maute Group arestado sa Marawi City

(Eagle News) — Arestado ang tatlo sa anim na hinihinalang miyembro ng Maute Terrorist Group matapos magsagawa ng raid operation ang pulisya sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), naaresto ang tatlong suspek sa kanilang inuupahang bahay nang mag check-out ang mga ito sa kanilang tinutuluyang hotel.

Sa kabila nito, nababahala pa rin ang pulisya dahil hindi pa nadadakip ang iba pa sa tatlong suspek.

Samantala, nagsasanib naman umano ng pwersa ang pulsya, militar at ibang ahensya sa Mindanao para mas mapaigting ang naturang imbestigasyon.