Sultan Kudarat binulabog ng isang pagsabog

ISULAN, Sultan Kudarat (Eagle News) – Binulabog ng pagsabog ang isang palengke sa Sultan Kudarat noong Lunes ng madaling araw, Mayo 22.

Ayon kay Sultan Kudarat Police Provincial Director Senior Supt. Raul Supiter, namataan ng security guard ang tatlong lalaki na nag-iwan ng isang bagay sa Public Market sa Barangay Kalawag 3, Isulan.

Sinita ng guwardya ang naturang mga lalaki ngunit mabilis namang nagtakbuhan ang mga ito saka naganap ang pagsabog. Wala namang napa-ulat na nasaktan sa insidente.

Kasulukuyan pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang nangyaring pagsabog.