Serbisyo medical, dental at outreach program isinagawa sa mga barangay sa Dingalan, Aurora

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora ang pagkakaloob ng libreng medical at dental para sa mga mamamayan ng Barangay Ibona, Dingalan noong Linggo, March 26. Katuwang nila sa pagsasagawa ng aktibidad ang Samahan ng Manggagamot sa Tondo, Maynila, Damayang Filipino Movement Inc., at iba pang Non-Government Organization.

Nagsagawa rin sila ng Feeding and Outreach Program sa Sitio Cabog, Barangay Matawe para naman sa mga batang katutubo. Binigyan ang mga ito ng mga damit at iba pang regalo. Lubos naman ang pasasalamat ng mga mamamayan ng Dingalan sa mga nagmagandang loob sa kanila.

Eman Celestino – EBC Correspondent, Dingalan, Aurora