Seguridad sa Iloilo, mas hinigpitan matapos ang pagkakaaresto ng tatlong miyembro ng Maute

ILO-ILO CITY, Iloilo (Eagle News) – Mas lalo pang hinigpitan ang seguridad sa Iloilo City matapos ang insidente ng pagkakadakip sa tatlong miyembro ng Maute Group.

Noong Linggo ng hapon, Hunyo 18, nang madakip ang tatlo–dalawang lalaki at isang babae—sakay ng M/V St. Therese of Child Jesus ng 2Go Travel.

Nadakip ang mga ito ng dumaong sa Iloilo City ang barko na patungong Maynila.

Ayon sa Coast Guard, napansin nila na tugma sa itsura ng mga ito ang ipinakalat na litrato ng Maute members sa pamamagitan ng video surveillance.

Sinabi rin ng coast guard na may isa pang kasama ang mga ito, pero nagawa nitong makatakas.