Pulis, patay sa pamamaril ng riding-in -tandem 

(Eagle News) — Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa  Biñan City, Laguna, kamakailan.

Ang biktima ay kinilalang si SPO2 Ricardo Pagua Infante, miyembro ng Biñan City Police Station.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tulay na Bato, Barangay San Antonio.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at balikat na siyang sanhi ng agarang pagkamatay nito.

Mabilis na tumakas ang suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng pagpaslang.