Personnel ng PNP Madrid Police Station nagsagawa ng clean up drive

MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang mga miyembro ng PNP Madrid, Surigao del Sur noong Martes, May o2. Maaga pa lamang ay nagtipon na sila para sama-samang isagawa ang nasabing aktibidad.

Dala ang mga gamit panglinis ay sinuyod nila ang mga basura at nagtataasang mga damo sa tabing dagat sa Barangay Union. Maaga naman nilang natapos ang nasabing gawain.

Sa nakaraan ay nagsagawa na rin sila ng ganitong aktibidad sa ibang baranggay na sakop na rin ng Madrid, Surigao del Sur.

Ang kampanyang ito ay inaasahan na magpapatuloy pa mga susunod na araw sa iba pang mga baranggay.

Dennis Revelo – EBC Corespondent, Surigao del Sur