Panibagong landslide sa Bontoc, Mountain Province

BONTOC, Mountain Province — Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nagkaroon na naman ng landslide sa bahagi ng Alab hanggang Gonogon section sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ngayon, sarado ang nasabing section ng Bontoc  at asahang matatagalan ang pagbu-bukas dahil sa laki ng slide.

Inaabangan pa ang heavy equipment mula sa Department of Public Works and Highways para isagawa ang clearing operation.

Wala namang nai-ulat na nasaktan sa insidente.