Pamahalaan Lokal ng San Marcelino nakiisa sa National Women’s Day Celebration

SAN MARCELINO, Zambales (Eagle News) – Nakiisa ang bayan ng San Marcelino sa pagdiriwang ng National Women’s Day na may temang “We Make Change Work for Women”. Pinangunahan ito ni Miss Sarah Doria, Department Head ng DSWD. Nilahukan din ito ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno at ilang pribadong sektor, tulad ng:

  • Water District
  • Rotary Club
  • Barangay Health Worker
  • Retired Teachers
  • Lokal na Pamahalaan
  • Philippines National Police

Nagsagawa sila ng motorcade na nagsimula sa harapan ng Munisipyo. Inikot nila ang buong bayan at nagtapos din sila sa Municipal Hall.

Tracy Rosal – EBC Correspondent, San Marcelino, Zambales