Padre de pamilya ng mga biktima sa Bulacan massacre, pasok na sa WPP

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan (Eagle News) – Isinailalim na sa Witness Protection Program ng Department of Justice ang padre de pamilya ng limang pinaslang sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, pasok na sa provisional coverage ng programa si Dexter Carlos Sr.

Pero bago anya mabigyan si Carlos ng aktwal na proteksyon, seguridad at benepisyo sa ilalim ng WPP, dapat muna siyang lumagda sa isang memorandum of agreement.

Ang mga nasa ilalim ng WPP ay maaari ding mabigyan ng livelihood o kabuhayan at pinansyal na tulong.