Ormoc City Blood Council, nagsagawa ng blood letting activity

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng Ormoc City Blood Council ang isang blood letting activity nitong Biyernes, Mayo 26.

Maaga pa lamang ay nagpuntahan na ang mga donor sa Ormoc City Evacuation Center, sa Brgy. Cogon, Ormoc City.

Karamihan sa tumulong sa Ormoc City Blood Council ay mga sundalo na mula sa 52nd Infantry Battalion, mga miyembro ng React Ormoc City, at mga private individual.

Ang Ormoc City Blood Council ay nabuo noong nakaraang taon lamang.

Nabuo ito upang tugunan ang lumalawak na pangangailan ng dugo.

Dalawang beses sa isang buwan ay may isinasagawang blood letting activity upang magkaroon ng sapat na pondo ng dugo.

Hindi lang mga Ormocanon ang tinutulungan ng Blood Council kundi pati ang mga nasa labas ng Ormoc City.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte