News in Photos: Naging pagdalaw ni Pangulong Duterte sa mga biktima ng lindol at pamamahagi ng relief sa Surigao City

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Dinalaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga biktima ng lindol sa Surigao City, Surigao del Norte noong Linggo, February 12. Kasama ng Pangulo si DSWD Secretary Judy Taguiwalo kung saan nagsagawa sila ng ceremonial distribution ng family food packs at burial assistance sa ilang naging biktima ng lindol. Isinagawa ito sa Surigao City Hall Gymnasium, Surigao City.

Kanselado ngayon ang lahat ng klase sa lahat ng level ng paaralan at mananatili ito hangga’t wala pang abiso kung magkakaroon na uli ng klase.

Samantala, dahil sa magkasunod na after shocks mas pinili ng nakararami na tumuloy muna sa mga temporary shelters na inihanda ng Pamahalaan.

Eagle News Service Surigao Correspondent Haydee Jipolan

Photo Courtesy: Presidential Photos