Miyembro ng INC sa Iloilo nakipagkaisa sa Maligay Summer Blast

Masiglang dinaluhan ng mga miyembro Iglesia ni Cristo sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Iloilo  kasama ang mga nasa proseso pa lamang sa pag-anib sa INC ang isinagawang “Maligaya Summer Blast” kaugnay sa Proyekto ng Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo na si Kapatid na  Eduardo V. Manalo na “Reconnect”.

Isinagawa ito sa anim na venue na kung saan ay  buong siglang  nakilahok  at  nakipagkaisa sa naturang aktibidad ang mga dumalo.

Nagkaroon din ng iba’t-ibang mga palaro sa naturang okasyon na kanilang nilahukan kagaya ng folk dance, choral group, at mga parlor games na nagdulot kasiyahan sa mga dumalo.

(Eagle News Service, Ramie Inventor, Iloilo Correspondent)