Mayor Richard I. Gomez, dumalaw sa ongoing exercise ng PH-US Balikatan forces

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dinalaw noong Huwebes, May 11, ni Mayor Richard Gomez ang isa sa mga ongoing exercises ng PH-US Balikatan Forces sa Ipil Port ng Ormoc City, Leyte.

Ang exercise ay may kinalaman sa pagtanggal ng debris sa lumang pier sa Brgy. Ipil, Ormoc City, na nagiging balakid sa pagdaong ng mga barko.

Posible rin aniya itong magiging sanhi ng aksidente dahil hindi ito nakikita kapagka-high tide.

Kasama sa pagdalaw ang PNP, US-UCT (Underwater Construction Team) at ang Philippine Coastguard. Ipinakita din ni Ensign Christopher Hefner ng US Navy ang Supply Diving Equipment o kilala sa tawag na “FADS IV” na isang heavy diving helmet na gamit ng UCT sa kanilang underwater operation.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City, Leyte

df532686-843a-4a61-ab3c-cbd7ba68e44d e4c5f41d-823b-48aa-b33c-5a3837405fa3 e068d29a-fdf1-4e91-87d2-28797ceed363 4f404e99-9c88-4134-95bd-96f0d951ccd6 79b80483-7c0d-48f2-bbe0-971037c6c8f6 a7ca4f57-3a39-41f8-b422-91bef8a84fdb a56c43b2-8518-4ecd-ac2a-2eb4ebe2b6f3 c5832276-d3a8-4861-a5d4-0fefe2ab39a3 d2de97c1-c371-465e-adf1-79be24e0cf11