Mas pinaigting na check point ng PNP-Lianga isinagawa para sa darating na long weekend

LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Naghigpit na naman ng seguridad ang Lianga Municipal Police Station sa ipinapatupad nitong checkpoint sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Isa-isang iniinspeksyon ang mga pumapasok at lumalabas sa nasabing bayan dahil sa napabalitang may mga sasakyang naglalaman umano ng Improvised Explosive Device (IED) na papunta sa Koronadal City at General Santos City.

Nais ng PNP Lianga na mapanatili ang peace and order sa lugar dahil marami na ang turistang dumadayo sa kanilang lugar dahil sa summer vacation at papalapit na rin ang long weekend.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Surigao del Sur