Ligtas na pagbabakasyon program ng PNP, ipinatutupad na

POLANCO, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nakakalat na kasalukuyan sa mga pangunahing lansangan sa Polanco, Zamboanga del Norte ang mga Police Assistance Desk at Check Point. Ito ay inilatag para sa kapakanan ng mga motoristang bumibyahe para mamasyal at magbakasyon.

Ang programang ito ay binuo at ipinatutupad ng PNP General Headquarters. May tema itong PNP SUMVAC o Summer Vacation Ligtas na Bakasyon, Serbisyo ng Kapulisan.”

Ang Polanco ay pangunahing dinadaanan patungong Dipolog City, Dapitan City, Pinian, Osmeña, Misamis Occidental at maging ng Zamboanga del Sur. Ang Polanco ang short cut na daanan patungo sa mga nasabing lugar.

Ayon sa Hepe ng Polanco MPS nakahanda sila sa pagresponde kung sakali mang may hindi inaasahang pangyayari sa bayan. Nais din nilang makatulong sa mga byaherong may nais itanong sa kanila.

Elmie Ello – EBC Correspondent, Zamboanga del Norte