Lalaki, patay sa buy-bust operation sa Calbayog, Samar

Ilan sa mga narekober mula sa suspek. Eagle News Service

CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) — Patay ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng  mga awtoridad sa Calbayog kamakailan.

Nanlaban umano at nagpaputok ng baril si Romano Talon alyas Mang-Mang, 32, nang malamang poseur-buyer ang katransakyon sa Purok 9 Brgy. San Joaquin, Tinambacan District.

Agad na nagpaputok din ang pulis, na agad ikinamatay ng suspek.

Prinoseso ng Scene of the Crime Operatives ang pinangyarihan ng krimen at naka recover ng pitong pirasong fired cartridges, case ng cal. 9mm na baril, isang pirasong fired cartridge case ng cal 45, isang pirasong fired bullet fragment, isang caliber 45 pistol, isang magazine ng caliber 45 pistol na loaded ng apat na pirasong live ammunition, isang pirasong 500 peso bill at isang pirasong plastik sachet ng hinihinalang shabu.

Napag-alamang ang suspek ay may kaso dahil sa umanong panggagahasa nito sa tatlong taong gulang na bata noong nakaraan. (Miriam Timan – Eagle News Correspondent)