Jomalig Island sa Quezon, dinadagsa na ng mga turista

JOMALIG ISLAND, Quezon (Eagle News) – Daan-daang mga turista ang patuloy na nagpupunta sa Jomalig, Quezon (Jomalig Island) dahil sa kaniyang malinis at magagandang dalampasigan. Taglay nito ang malakristal sa linaw na tubig at ginintuang buhangin. Kasama pa ang mga mababait at mapagtitiwalaang mga residente sa nasabing lugar.

Ito ang hinahanap ng mga turistang nabibingi na sa ingay ng siyudad at naghahanap ng tahimik at magandang puntahan. Kapag pupuntahan ang lugar na ito ay iduduyan ka ng malamyos na himig ng kalikasan. Ang tunog ng alon sa pagdampi sa dalampasigan at ang magagandang tanawing bigay ng kalikasan ay kayamanan ng Jomalig Island.

Nice Gurango at Elmer Gariguez, EBC Correspondent, Jomalig, Quezon

Tourists arrival in Jomalig, photo courtesy of Tourism Office led by Ms. Melben del Castillo