Isang lalake, arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Tagbina-PNP

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang 42 taong gulang na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng pulis sa  Surigao del Sur kamakailan.

Kinilala ng Tagbina Municipal Police Station ang suspek bilang Roy Cemadero Rojo.

Nakuha mula kay Rojo ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at ang ginamit na marked money sa buy-bust operation sa Purok 4, Maglatab, Tagbina.

Ang suspek ay dati nang sumuko sa mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Kasama din si Rojo sa drug watch list ng Tagbina-PNP.

Kakasuhan ang suspek ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Jecyl Pampilon, Issay Daylisan – EBC Correspondents, Tagbina, Surigao del Sur