Isang granada nahukay sa Dipolog City

DIPOLOG CITY, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nahukay ang isang granada sa Dipolog City, Zamboanga del Norte kamakailan.

Si Jeffrey Tubo Saloma, residente ng San Jose, ang nakahukay umano ng granada na nakabaon sa lupa sa Magsaysay Street, Miputak.

Agad namang rumesponde ang mga pulis ng Dipolog City Police Station.

Na-recover ang naturang MK-2 Training Grenade na nakabalot sa isang plastik.

Nasa kustodiya na ng naturang explosives and ordnance division personnel ang nasabing granada para sa tamang disposisyon.

Photos courtesy of Lady Mae Reluya Dipolog City Police Station