Isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road, gumuho

BONDOC, Mountain Province (Eagle News) – Bunga ng biglaang pagbuhos ng malakas ng ulan sa Mountain Province ay gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Bontoc-Baguio Road sa may Brgy. Chachakan, Bontoc, Mountain Province.

Hindi agad naalis ang lupa at mga bato sa daan dahil sa tuloy-tuloy na pagbagsak ng mga bato at lupa sa kalsada. Nagdulot ito ng matinding pagka abala sa mga biyahero dahil tumagal ito ng ilang oras. Ang iba sa mga biyahero ay naglakad na lamang at lumipat sa ibang sasakyan,

Subalit ng mabuksan ang kalahating bahagi ng kalsada ay agad na pinadaan ng mga tauhan ng DPWH ang mga motorista. Wala namang naiulat na nasaktan at iba pang napinsala sa nasabing pagguho.

Charles Nidoy – EBC Correspondent, Mountain Province