Intensity 4.2 na lindol, naramdaman sa Lanao del Sur

Intensity 4.2 na lindol, naramdaman sa Lanao del Sur
Photo courtesy of http://www.phivolcs.dost.gov.ph

WAO, Lanao del Sur (Eagle News) -Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang bayan ng Wao sa Lanao del Sur bandang 1:02 ng madaling araw, Mayo 26.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng pagyanig sa layong sampung kilometro sa Timog Silangan ng nasabing bayan.

Tectonic din ang pinagmulan ng nasabing pagyanig.

Dahil sa nangyaring lindol ay naramdaman ang intensity 4 sa Wao, intensity 3 naman sa Malaybalay at Valencia City, Bukidnon.

Samantala, naramdaman naman ang intensity sa Cagayan de Oro, Iligan City at Marawi City. Intensity 1 naman ang naramdaman sa bahagi ng Cotabato City at Midsayap, North Cotabato.