Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Pamamahayag sa San Nicolas, Ilocos Norte

SAN NICOLAS, Ilocos Norte (Eagle News) – Nagasagawa ng malaking Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa San Nicolas, Ilocos Norte kamakailan. Dinaluhan ito ng maraming tao na inanyayahan ng mga kaanib ng  INC sa nasabing dako.

Pinagunahan ni Bro. Raymundo S. Bravo, Jr., Ministro ng ebanghelyo ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos. Ang Kapisanang SCAN International naman ang nanguna sa seguridad ng nasabing aktibidad.

Labis ang katuwaan at kagalakan ng mga dumalong panauhin na naanyayahan dahil nalaman anila nila ang mga pangunahing aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng INC. Marami sa mga naging bisita ang nagpasiya ng umanib sa INC.

Rick Somintac – EBC Correspondent

photo_2017-01-17_18-45-41

photo_2017-01-17_18-45-52

photo_2017-01-17_18-45-59

photo_2017-01-17_18-46-04

photo_2017-01-17_18-46-11

photo_2017-01-17_18-46-26