Iba pang bansa, may travel advisory na rin sa Palawan; PNP, pinawi ang pangamba ng publiko

PALAWAN (Eagle News) – Nag-isyu na rin ng kanilang travel advisory ang iba pang mga bansa para sa kanilang mga kababayan na nagbabalak na magtungo sa Palawan dahil sa banta sa seguridad. Kabilang sa naglabas ng bagong abiso ay ang mga bansang:

  • United Kingdom
  • Canada
  • Australia

Una rito, nagsabi ang Estados Unidos na kailangan nilang balaan ang kanilang mga mamamayan na mag-ingat o kaya ay ipagpaliban muna ang pagpunta sa Palawan dahil sa posibilidad ng pagsalakay doon ng Abu Sayyaf o iba pang armadong grupo. Pero para sa panig ng AFP at PNP ay nananatiling ligtas sa Palawan at ginagawa nila ang lahat para huwag makalusot ang mga terorista.

https://youtu.be/POweHl60s4s