German nationals nagsagawa ng libreng dental check-up

DAVAO CITY (Eagle News) – Nagsagawa ng libreng dental check-up ang mag-asawang sina Mr. and Mrs. Rainer Sciuk na pawang mga German nationals para sa komunidad ng Toril District. Ito ay bilang bahagi ng proyekto ng Kressbronn-Toril Educational Program (KTEP) para sa komunidad ng Toril. Isinagawa ito sa KTEP building, San Jose, Daliao, Toril, Davao City noong Lunes, March 13.

Mahigit 60 pasyente ang nakinabang sa nasabing aktibidad kasama na ang mga miyembro ng Toril Municipal Police Station na pinangunahan ni PCI Roy Mateo, Deputy for Operation ng Toril Police Station 8.

Nagpasalamat naman ang mga pasyente sa libre dental check-up at nakatanggap din sila ng libreng toothpaste at toothbrush.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

Photo courtesy: Toril Police Station 8 PNP