Drug pusher, huli sa buy-bust operation sa Tagbilaran City

TAGBILARAN CITY, Bohol (Eagle News) — Nahuli sa isang buy-bust operation ang isang hinihinalang drug pusher kahapon sa Tagbilaran, Bohol.

Ang suspek na si Albert Ano, 28 anyos, ay nahuli matapos pagbentahan niya ng droga ang isang police-poseur buyer sa Purok 7, Gallares St.

Nakumpiska mula kay Ano ang limang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, 300 pesos na ginamit na marked money, at eyeglass case na pinaglagyan ng mga shabu.

Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Naka detain si Ano sa Tagbilaran City Jail.

(Alibeth Rosales – Eagle News Correspondent)