Drug free stickers idinikit ng PNP sa mga kabahayan sa Tapaz, Capiz

TAPAZ, Capiz (Eagle News) – Nakatanggap ng “Balay Namon Drug Free Stickers” ang mga residente ng Brgy. San Nicolas, Tapaz, Capiz. Ito ay may  sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra iligal na droga.

Ang nasabing mga sticker ay ikinakabit ng kapulisan sa harapang bahagi ng bahay. Nagsisilbi na rin itong paalaala at panghihikayat na ang bawat sambahayan ay dapat na maging drug free. Kasabay nito ay ang pagtuturo din sa mga residente ng mga masasamang epekto nito at mga kadahilanan kung bakit nalululong ang tao sa ipinagbabawal na gamot.

Neal Flores – EBC Correspondent, Capiz