Davao City Mayor Sara Duterte, itinaas na sa red alert status ang lungsod

DAVAO CITY (Eagle News) – Naka-red alert ngayon ang Davao City kasunod ng pagdedeklara ng martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Ayon kay Mayor Sara Duterte Carpio, ipinatutupad na ngayon sa lungsod ng Davao ang full security measures, lalo na ang ginagawang checkpoint ng mga awtoridad.

Sinabi pa ni Mayor Duterte na kung hindi rin lang importante ang lakad ng kanilang mga kababayan ay mabuti na huwag nang lumabas o umalis ng kani-kanilang tahanan.

https://youtu.be/y5CTk0V0WCA