Children with special needs binigyan ng special atensyon ng PNP

TAGUM CITY, Davao Del Norte (Eagle News) – Dinalaw ng mga miyembro ng Davao Del Norte Police Office ang ilang “Children with Special Needs” sa Magugpo, Pilot Elementary School, Davao Del Norte noong Martes, February 14.  Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Carolina J. Blanco ng PNP Davnor PCR. Kanilang isinagawa ang “Thank a Police Officer Program” na bahagi na rin ng Special Education Program ng nasabing paaralan.

Labis ang pasasalamat ng mga estudyante sa kanilang police officers habang itinuro ng mga pulis ang mga karapatan ng estudyante. Namigay din sila ng meryenda at gamit.

Ayon kay Inspector Blanco, ito ay isang ekspresyon ng kanilang pagmamahal at pagmamalasakit lalo na sa mga batang nangangailangan ng special na atensyon. Isang paraan din umano ito ng pakikipagkasundo at pagiging malapit nila isa’t-isa.

Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao del Norte

Photo CourtesyL PNP Davao