Boracay nanguna sa 15 Most Loved Islands sa mundo

(Eagle News) — Muling nakuha ng Boracay ang Number 1 spot bilang pinakamagandang isla sa buong mundo noong 2016. Ito ang lumabas sa isinagawang survey sa mga reader kung saan nanguna ang Boracay sa labing limang isla na pinagpilian.

Pumapangalawa naman ngayong taon ang Palawan na nakatanggap ng Reader’s Choice Award noong 2015 at 2014.

Nakapasok din ang Cebu na nasa pang-limang pwesto.

Nanguna umano ang Boracay dahil sa malapulbong buhangin gayundin ang nakakabighaning sunset at ang nightlife.