Boracay nangangailangan ng karagdagang trained lifeguards

Eagle News – Nangangailangan ngayon ng karagdagang trained lifeguards sa Isla ng Boracay. Ito ay kasunod ng inihaing ordinansa ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Aelred Gallenero na nag-aatas sa mga beachfront establishment sa isla na mag-hire ng kanilang sariling on-site lifeguards para tumulong sa mga kasalukuyang lifeguards mula sa Lokal na Pamahalaan at mga Volunteer Group.

Obligado na ring maglagay ng safety flags at signs mula Station 1-3 at iba pang beaches sa isla upang magsilbing guide.

Layon ng inihaing ordinansa na maiwasan ang mga insidente ng pagkalunod lalo na’t maraming turista dayuhan man o lokal ang dumadagsa rito.

https://youtu.be/2RfDJtndVmQ