“Bonsai Making” seminar, isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon

20a8d4d2-32a8-42b2-b74f-1836f6fbc140

REAL, Quezon (Eagle News) – Bilang pagtulong sa mga kababayan natin sa lalawigan ng Quezon ay nagsagawa ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ng libreng livelihood seminar tungkol sa “Bonsai Making”. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Real, Infanta at Gen. Nakar, Quezon. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Bro. Isaias Hipolito, District Minister ng INC sa Quezon North.

Marami ang nakinabang sa nasabing seminar dahil kahit ang hindi miyembro ng INC ay dumalo rin upang matuto sa paggawa ng bonsai. Lubos na humanga ang mga dumalo na hindi miyembro ng INC dahil sa isinasagawa nitong mga proyekto. Malaki aniya ang naitutulong nito sa mga tao na nakapagbibigay ideya kung ano ang maaari nilang pagkakitaan.

William Inte, Nice Gurango – EBC Correspondents, Real, Quezon