All-out war vs illegal gambling ng PNP sa Calabarzon pa-iigtingin

CALAMBA, Laguna (Eagle News) – Nagbigay na ng direktiba si Police Regional Office-Region 4-A Calabarzon Director Chief Supt. Ma. O Aplasca ng Camp Vicente Lim, Laguna sa mga Provincial Police Directors na magsagawa ng all-out war laban sa illegal gambling sa rehiyon.

Nagpadala na ng direktiba si Aplasca sa mga Provincial Directors ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na ipatupad na ang kaniyang ipinag-uutos. Wala rin aniya sa kaniyang polisiya na magsuhol ang mga operator at bookies.

Ang mga lugar sa Calabarzon ay kilala sa maraming uri ng iligal na pasugalan tulad ng:

  • Small Town Lottery (Jueteng)
  • Devil Machine
  • Video Karera
  • Color Games sa peryahan at pergalan

Ang naturang operasyon ay base sa direktiba ni PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na huwag lamang mag-focus sa anti-drug operation kundi pagtuunan din ng pansin ang mga illegal gambling. Mariing pinabulaan ni Aplasca na nangongolekta siya ng suhol  sa mga illegal gambling operations.

Willson Palima – EBC Correspondent, Laguna

Photo Courtesy of PNP-PIO Calabarzon