9 sundalo patay, 49 sugatan sa grenade attack

MARAWI CITY, Lanao del Norte (Eagle News) – Patay ang siyam na sundalo matapos hagisan ng granada ng teroristang Maute Group sa Marawi City.

Kinumpirma ni Lt. Col. Carlito Galvez, chief ng Western Mindanao Command, 49 na iba pa ang nasugatan sa naturang insidente kamakailan.

Ayon kay Galvez, nagawa ng teroristang grupo na makalapit sa tropa ng pamahalaan at dito na hinagisan ang mga ito ng mga granada.

Tumanggi naman si Galvez na magbigay ng karagdagang detalye sa insidente dahil sa operational matters.